
AKING KARANASAN "Tagalog Plsss. Blog ko to" Ako'y nagagalak ng aking nalaman na kami'y mag-aalaga ng mga isda. Ang daming bagay ang pumasok sa aking isipan subalit ito'y hanggang duon lang. Nariyan ang dinagdagan ko ng ibang uri ng isda ang aking aquarium. (BLACK MOOR) Naalala ko ayaw ko pa nuon itong iwan sapagkat inaaway nito ang aking mga Pearscale Goldfish. Di naglaon, sila ay nagkasundo rin. Ako'y natutuwa sa tuwing ako'y papasok sapagkat sila ang aking unang titignan. Pero syempre sa una lang yun naging madalang ang aking pagpunta. At dahil duon nagkaruon ng sakit ang aking mga isda. Nagkaruon ang isa sakanila ng pantal sa kanyang katawan. Ito'y aking hiniwalay muna sakanila sa kabutihang palad naging maayos ito. Naging madalas na naman ang aking pagpunta sakanila. Hanggang sa akin napansin na nawawala ang kanilang natural na kulay. Ang hinala ng lahat ay dahil sa pagkain. Sa kasalukuyan ay akin pa itong inaay...